Ang Diyos ay laging gumagawa ng mga dakilang bagay. Pasalamatan natin Siya!

Bulubundukin

Anong mga bagay ang ipinagpap-asalamat mo?

“Magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”

1 Mga Taga-Tesalonica 5:18

Kahit ano ang harapin mo, hindi ka iiwan ng kabutihan at awa ng Diyos. Sa katunayan, naghahanda pa Siya ng mga pagpapala para sa iyo sa kalagitnaan ng mahihirap na panahon. Ngunit ang mga katotohanang ito ay hindi laging madaling tandaan, kaya nga ang pagpapasalamat ay mahalaga.

Ang pagpapasalamat ay nakakatulong na ituon ang pansin sa Nag-iisang may kakayahang ibaling ang ating mga problema para sa Kanyang kaluwalhatian at ating ikabubuti. Kaya ngayon, sandali tayong huminto at magpasalamat sa Diyos para sa lahat ng nagawa Niya sa ating buhay.

Isang Panalangin ng Pasasalamat

O Diyos, Ikaw ay mabuti, at ang pag-ibig Mong hindi nagmamaliw ay magpakailanman! Sa pinakamahirap na panahon man, may dahilan ako upang sambahin Ka.

Salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng katagumpayan at masaganang buhay kay Jesu-Cristo! Bagama’t hindi ako karapat-dapat, ibinubuhos Mo sa akin ang walang pasubaling pag-ibig at kapatawaran.

Kaya’t anuman ang mangyayari sa hinaharap, sisigaw ako nang may kagalakan dahil kasama Kita. Inaaliw Mo ako at pinagpapala sa harap ng aking mga kaaway. Walang makakahambing sa Iyo at walang sandatang maaaring sumalansang sa Iyo. Sa lahat ng bagay, ako’y higit pa sa mapagtagumpay sa pamamagitan Mo!

Maluwalhati Ka sa pamamagitan ko, O Diyos. Nawa ang mga salita ng aking bibig at pagbubulay ng aking puso ay papurihan ang Iyong pangalan.

Nais kong ang buhay ko ay magbigay kapurihan sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

IDAGDAG SA LISTAHAN NG PANALANGIN

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese