Ano bang hitsura ng pag-ibig?
Maglaan ng isang minuto upang huminto nang sandali at pag-isipan kung anong mga salita ang iyong sinabi (o isinulat) nitong nakaraang linggo. Masasabi mo bang kilala ka sa kung paano kang magmahal sa iba?
Bilang mga taga-sunod ni Cristo, tayo ay may natatanging pagkakataon upang magdala ng pag-asa kung saan may kaguluhan, at magpalaganap ng pag-ibig kung saan may pagkamuhi.
Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan.
Sa sandaling ito, pagnilayan ang walang pasubaling pag-ibig ng Diyos para sa iyo, at pagkatapos ay ibahagi ang Bersikulong Larawang ito. Sa araw na ito, punuin natin ang internet ng mga paalala tungkol sa pag-ibig ng Diyos.
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean