Ang pagbabago sa buhay ay nagsisimula sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita! At ang Bible App ay ginawa para tulungan kang patuloy na hanapin ang Diyos.
Narito ang 3 paraan upang sadyang maglaan ng oras kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Bible App ngayong taon.
MAG-ARAL NG SALITA NG DIYOS
Gamit ang Reader, maaari mong pag-aralan ng mas maigi ang Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga haylayt, tala, panalangin, at marami pang iba. I-tap ang isang bersikulo sa Biblia para makapagsimula.
MAGTAKDA NG PAALALA
Sa mga Paalala, maaari mong sadyang magtakda ng oras para kumonekta sa Diyos araw-araw. Magtakda ng paalala sa iyong mga setting ng Bible App para hindi mo ito makaligtaan!
MAGDAGDAG NG IYONG MGA KAIBIGAN
Tulad ng social media, maaari kang magdagdag ng Mga Kaibigan sa Bible App at lumago sa Salita ng Diyos nang magkasama sa pamamagitan ng:
- Pagsisimula ng isang Gabay sa Biblia
- Pakikipag-ugnayan sa Feed ng Komunidad
- Pagdarasal para sa isa’t isa na sa pamamagitan ng mga kahilingan sa panalangin