Dumating na ang pag-asa

Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. - Lucas 2:11 Bersikulong Larawan

2,000 taon na ang nakalilipas, ang hinaharap ng mundo ay nagbago magpakailanman nang nag-anyong tao ang pag-asa at nakita sa isang sabsaban.

Ang pagsilang ni Jesus ay isang nadaramang pagpapahayag ng labis na pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang pagdating ni Jesus ay mabuting balita ng malaking kagalakan, para sa lahat ng tao. Ngayong Pasko, ipagdiwang ang himalang iyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang natatanging Bersikulong Larawan.

Ibahagi Ngayon

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

Mga bukas na kamay

Kilalanin ang Diyos, Makatagpo ng Kapayapaan

Isiping ika’y isang pastol sa unang siglong Bethlehem. Lumalapit sa iyo ang mga tupa, ngunit ang iba ay ayaw sa iyo dahil sa iyong trabaho, pananamit, at katayuan.

Sa loob ng maraming henerasyon, sinasabi ng iyong pamilya, “Nangako ang Diyos na bubuti rin ito.” Ngunit nagsisimula kang magtaka: “totoo kaya iyon?” Pagkatapos isang gabi, nagbago ang lahat. Isang anghel ang nagpakita at nagsabi sa iyo na isang Tagapagligtas ang isinilang.

Emmanuel, “Ang Diyos na sumasa-atin” ay dumating na.

Balang araw, ang batang ito ang magpapasan ng bigat ng lahat ng ating mga maling gawain sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. At dahil sa Kanyang sakripisyo, inaanyayahan tayong mamuhay nang mapayapa kasama ang Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon. Kaya sa ngayon, pasalamatan natin si Jesus sa Kanyang sakripisyo at kapayapaang mayroon tayo nang dahil sa Kanya.

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

O, Diyos,

Kahit magulo ang aking buhay, mararanasan ko ang Inyong kapayapaan dahil sa ginawa ni Jesus sa krus. Salamat dahil pinangyari Ninyo ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng Inyong Anak! Gumawa Siya ng paraan upang makilala at maranasan namin Kayo.

Kahit na sa pakiwari ay walang kontrol ang buhay, maaari akong kumapit sa katotohanan na ang Inyong kapayapaan ay hindi nakabatay sa aking mga damdamin o kalagayan—kundi sa Inyong katangian at katapatan.

Kapag hindi ako makaramdam ng kapayapaan, mangyaring ipadama sa akin ang Inyong presensya. Ipaalala sa akin na Ikaw ang may kontrol. Bigyan Ninyo ako ng Inyong lakas at ginhawa kapag nararamdaman kong ang mundo ay hindi ligtas. Protektahan ang aking puso at isip mula sa bigat ng aking damdamin at iniisip.

Pahintulutan akong madama ang Inyong presensya, at mamuhay nang may pagtitiwala na Ikaw ay laging malapit. Hayaang ang aking buhay ay maging isang halimbawa ng Inyong kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

I-save ang Panalangin

Ano ang iyong pinaglalaanan?

Tao sa telepono

Sama-sama, maaari natin hubugin ang hinaharap.

Kaya’t ating ituon ang ating mga mata hindi sa kung ano ang nakikita, bagkus sa kung ano ang hindi nakikita, sapagkat ang nakikita ay pansamantala, ngunit ang hindi nakikita ay walang hanggan.

2 MGA TAGA-CORINTO 4:18

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, ating ipinagdiwang ang 500 milyon pag-install ng YouVersion. Ang numerong iyon ay nangangahulugang daan-daang libong mga tao—mula sa iba’t-ibang bansa, nagsasalita ng iba’t-ibang mga wika—ay nasa paglalakbay papalapit sa Diyos … bawat segundo.

00:01

Sa loob ng Isang segundo…

2 mga tao ang nag-install ng YouVersion

1,179 mga tao ang nagbukas ng kabanata ng Biblia

227 mga tao ang nakinig ng kabanata sa audio

4 na tao ang nagsimula ng Gabay sa Biblia

11 mga tao ang nagbahagi ng mga talata sa social media

Iyan ang nangyayari sa loob ng ISANG segundo, bawat segundo, ng bawat araw.

Habang ipinagdiriwang natin ang kahulugan ng mga numerong iyon, alam natin na mayroon pang bilyon na mga tao sa buong mundo ang hindi pa konektado sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang YouVersion ay nasa isang misyon upang baguhin iyon, at nais ka naming anyayahan upang maging bahagi nito.

Kung sa iyong palagay sa isang segundo na ang iyong kontribusyon ay walang epekto—na ang bahagi mo ay hindi mahalaga—alalahanin mo kung ano ang ginawa ng Diyos doon sa bawat segundong iyon: Siya ay nagbabago ng mga buhay sa buong mundo, bawat isang segundo, ng bawat isang araw.

Sa nalalapit na pagsasara ng 2021, inaanyayahan ka namin na ituon ang iyong mga mata sa mga hindi mo nakikita. Gawing makabuluhan ang bawat segundo sa pamamagitan ng paglalaan para sa walang hanggan.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang 2021 Pamaskong Hamon ay narito na!

Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang 2021 Pamaskong Hamon

Kadalasan, ang mga nangyayari sa ating paligid ay madaling makagambala sa atin mula sa kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa atin habang ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus.

Ngunit paano kung iba ang Paskong ito?

Paano kung maari mong isantabi ang napakaraming mga gawain para sa kapayapaan ng Diyos? O ipagpalit ang pagkabalisa para sa kaligayahan? Paano kung ikaw ay maaaring maging bahagi ng pandaigdigang kilusan na nagbubuhos ng pagmamahal ng Diyos ngayong panahon ng kapaskuhan?

Kapag ikaw ay nakilahok sa Pamaskong Hamon, ikaw ay sumasali sa Pamayanan ng YouVersion habang itinutuon natin ang ating mga puso sa tunay na kahulugan ng Pasko.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng 2021 Pamaskong Hamon Badge!

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pagbabalik-Tanaw sa 2021

Pagbabalik-Tanaw sa 2021

Ito’y isang sandaling dapat alalahanin.

Pagbabalik-tanaw sa Taong 2021 ng YouVersion

Maglaan ng ilang sandali upang balikan ang nakaraang taon. Para sa marami sa atin, napuno ito ng mga matatamis at mapapait na alaala. Ngunit sa gitna ng magulong panahon at walang katiyakang kinabukasan, may pag-asang makakapitan nating lahat:Ang Diyos ay aktibo sa pagkilos sa ating mundo, at hinuhubog Niya ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Bersikulo ng Taon

Ang bersikulo ng Biblia na pinakamadalas ibinahagi, nai-bookmark, at nai-haylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa 2021.

Ibahagi ang Bersikulo ng Taon

MATEO 6:33


Sa taong ito, patuloy nating nakita ang mas maraming tao higit kailanman na mas napalapit pa sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

50,700,000+ na na-install sa 2021

Higit sa 500 milyong kabuuang pag-install ng YouVersion

Ang bawat pag-install ay isang pagkakataon para sa isang tao na personal na maranasan ang pag-asa ng Diyos. Ang pag-asa na ito ay angat sa kalalagayan, at ito ay matatagpuan kapag hinahanap natin ang Diyos araw-araw.

Nagsisimula pa lang ang Diyos, pero sa ngayon, gusto naming ipagdiwang ang ilan sa mga bagay na nagawa Niya sa Pamayanan ng YouVersion sa buong 2021.

Habang tinitingnan mo ang mga kamangha-manghang bilang na ito, isipin kung ano ang kinakatawan ng mga ito: daan-daang milyong mga buhay na naghahanap sa Diyos … at nakahanap sa Kanya.


Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita

“Nasira ang aking buhay may-asawa noong 2017. Nagsimula akong magbasa ng Biblia sa aking phone pagkagising ko. Ang YouVersion ang tanging paraan upang ma-access ko ang daan-daang mga pag-aaral sa Biblia na may kaugnayan sa bawat pakiramdam na naranasan ko. Iniuugnay ng YouVersion ang pandaigdigang Pamayanan sa Diyos at sa isa’t isa, tulad ng hinihiling ng Diyos. Hindi ko lamang naiibigan ang app na ito, kailangan ko ito.

– GLENNA

Mayroon na ngayong 2,600 na bersyon ng Biblia at 1,100 na audio na Biblia na makikita sa mahigit na 1,700 na wika sa YouVersion.


Pagkikipag-ugnayan sa Biblia ayon sa Bansa

Mapa ng mundo


Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Panalangin

“Gusto talaga naming tulungan ang mga tao na manalangin nang mas palagian at makabuluhan. Ang Panalangin ng Panginoon ay nagbibigay sa atin ng huwaran para sa isang mahusay at balanseng panalangin. Nagsisimula ito sa pagpaparangal sa Diyos, hinihikayat tayo nitong tapat na ipahayag ang ating praktikal at espirituwal na mga alalahanin, at inaakay tayo nito na tumugon sa Diyos sa pagsunod. Noong binuo namin ang Pinatnubayang Panalangin, iyon ang naging inspirasyon namin sa paglikha nito.”

– SAM, YouVersion Product Manager

Gabay sa Panalangin

Kapag gusto mong makipag-usap sa Diyos ngunit hindi mo alam kung ano ang sasabihin, ang Pinatnubayang Panalangin ay makakatulong sa iyo na makapagsimula. Ang karanasan sa Pinatnubayang Panalangin na inilunsad sa umpisa ng taong ito, at nagbibigay ng pang-araw-araw na mga hudyat na tutulong sa iyo na pagnilayan ang Banal na Kasulatan, mas mapalapit sa Diyos, at makipag-usap sa Kanya tungkol sa iniisip mo.

38.4 milyong
Nakumpletong Pinatnubayang Panalangin

Ang Panalangin sa YouVersion ay ginawa upang matulungan kang magkaroon ng matapat na pakikipag-usap sa Diyos, sa pamayanan. Sa taon lamang na ito, milyun-milyong tao ang nagbabahagi ng Panalangin kasama ang Kaibigan, at sadyang naglilinang ng pakikipag-ugnayan sa kanilang Maylikha.

47.2 milyong
Panalangin ang Nilikha noong 2021

Subukan ang Panalangin sa YouVersion


Paghahanap sa Diyos Araw-araw

“Kinatawan ng aking anak na babae ang aming estado sa isang rehiyonal na kampeonato sa paglangoy. Sa halip na makipagpalitan ng mga numero ng telepono sa kaniyang mga kaibigan sa paglalangoy, itatanong niya: “Nasa Bible App ka ba?” Kung hindi pa, ipapakita niya sa kanila kung paano i-download ang app at gumawa ng account, at pagkatapos ay iimbitahan niya sila sa kanyang pinakabagong Gabay. Balak niyang subaybayan ang kanyang mga bagong kaibigan sa paglangoy sa pamamagitan ng patuloy na pag-imbita sa kanila na sumali sa kanyang pag-aaral. Gustung-gusto ko kapag ang mga anak ko ay nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa mga kaibigan na maaaring hindi hinihikayat ng ganito sa kanilang mga bahay.”

– BRITTNEY

1.4 bilyong
araw sa Gabay sa Biblia ang natapos sa 2021

Maghanap ng Gabay


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email