Ano ang iyong mga Relationship Goal?

Hilera ng iba't ibang kulay

Magkaroon ng Gabay
para sa Bawat
Relasyon.

Kahit pa ikaw ay walang asawa, nakikipag-date, kasal, o “ito’y komplikado,” ang iyong mga relasyon ay mahalaga sa Diyos. Lahat tayo ay inutusang “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos … at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Mapaghamon ang umibig sa iba nang lubos kung hindi Diyos ang una mong iniibig. Ngunit ang pag-ibig sa Diyos ay hindi sapat. Kailangan baguhin ng Kanyang pag-ibig kung paano mo tingnan ang iyong sarili. Upang magkaroon ng mga relationship goal, unang hanapin ang Diyos sa bawat relasyon.

Ito ang ilang mga Gabay sa Biblia
upang tulungan kang makapagsimula:

Mga Gabay sa Relasyon

Share this post:

Ano ang ipinapanalangin mo?

Lalaking nananalangin

Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

MGA TAGA-FILIPOS 4:6

Paggaling? Kapayapaan? Proteksyon? Isang pambihirang tagumpay? Nagdarasal ka ba para sa iyong sarili? O para sa isang taong pinahahalagahan mo? Anuman ang iyong ipinagdarasal, pag-isipang mag-imbita ng isang taong iyong pinagkakatiwalaan upang manalangin kasama ka.

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

MGA TAGA-GALACIA 6:2

Umaasa kaming natuklasan mo na na ang bagong tampok na Panalangin ng YouVersion ay isang magandang paraan upang masubaybayan ang lahat ng iyong ipinapanalangin. Ang Panalangin rin ng YouVersion ay hinahayaan kang isali ang iyong mga kaibigan sa iyong mga pakikipag-usap sa Diyos. Kapag nagdagdag ka ng Panalangin, ang kailangan mo lamang gagawin upang mag-imbita ng iba na magdasal ay pinduitin ang Ibahagi sa mga Kaibigan.

Ibahagi sa mga Kaibigan sa Prayer card

Ang isang Prayer Chain ay nagpapahintulot sa iyong mga Kaibigan sa Bible App na ibahagi ang iyong Panalangin sa kani-kanilang mga Kaibigan, at iba pa.

Lumikha ng Prayer Chain

Pahintulutan ang iyong Mga Kaibigan at Mga Kaibigan ng Mga Kaibigan na ibahagi ang Panalanging ito

I-on

Magdagdag ng Panalangin

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Mahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya.

Ano ang ibig sabihin ng
maging isang “Mabuting Magulang”?

Maaaring maging mahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya. Lahat tayo ay nagnanais na makapagbigay nang higit sa mayroon tayo—kaligtasan at kapanatagan, mga magagandang karanasan, at mga pagkakataon upang lumago. Paano nga ba natin espirituwal na pamumunuan ang ating mga anak, patungo sa paglikha ng isang mas maayos na mundo?

Sa kabutihang palad, hindi natin ito kailangang pag-isipan nang mag-isa. Marami ang nauna sa atin, na nagdokumento ng kanilang mga karanasan sa mga bagay-bagay na nakatulong sa kanila. Ang mga Gabay sa Biblia ay makatutulong sa iyo sa iba’t-ibang yugto sa iyong paglalakbay:

Tingnan ang Mga Gabay sa Biblia

Share this post:

Para bang Hindi mo na Kontrolado ang Buhay? Alalahanin ang 3 Bagay na ito:

Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh’y nagtitiwalang lubos!

Mga Awit 31:24

400 taon. Iyon ang haba ng taon ng paghihintay ng mga Israelita upang iligtas sila ng Diyos mula sa pagkaalipin. Ngunit pagkatapos nilang umalis sa Egipto, hindi sila direktang dinala ng Diyos sa kanilang lupang pinangako.

Sa halip, nagkampo sila sa ibaba ng isang bundok habang binibigyan ng tagubilin ng Diyos si Moises. Sa panahong iyon, ang Bundok ng Sinai ay nalukuban ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Ngunit pagkaraan ng 40 araw, ang mga Israelita ay nainip sa pagkaantala…kaya itinakwil nila ang Diyos at ginawa nila ang anumang nakalulugod sa kanila.

Kung naranasan mo nang madismaya sa isang walang katiyakang panahon na mas tumatagal kaysa sa iyong inaasahan, hindi ka nag-iisa.

Ang paghihintay ay maaaring humantong sa pagkabigo at pagkadismaya. Sa mga sandaling iyon, maaari tayong maging mas nakatuon sa ating mga kalagayan na nakakalimutan nating ang Diyos ang may kontrol pa rin. Kung ang Diyos ang may kontrol, maaari nating matanong, kung gayon ay nasaan Siya? Bakit walang nagbabago?

Narito ang tatlong katotohanan na dapat tandaan:

  1. Ang paghihintay ay nagpapahayag kung ano ang iyong sinasamba
  2. Nang maantala ang mga plano ng mga Israelita, agaran silang nagkasiyahan sapagkat iyon ang talagang pinapahalagahan nila.

    Kapag nahahanap mo ang iyong sarili na hindi nasisiyahan sa iyong sitwasyon, ano ang pinagbabalingan mo? Ang pinagtutuunan mo ng pansin ay nagpapakita kung ano ang iyong pinahahalagahan, at kung ano ang iyong pinahahalagahan ay tumutukoy kung ano ang iyong sinasamba.

  1. Ang paghihintay ay hindi kailangan sayang
  2. Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang pangako mula sa mga Israelita –Sila ay inihahanda Niya para rito.

    Ang timeline ng Diyos ay naiiba kaysa sa atin, ngunit ang iyong paghihintay ay maaaring naghahanda sa iyo para sa mga plano at layunin na mayroon ang Diyos para sa iyo.

  1. Ang paghihintay ay tumutulong sa atin na tumuon sa katapatan ng Diyos
  2. Ang katapatan ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang Diyos na matiyagang nangalaga at nagbigay para sa mga Israelita ay napagtagumpayan rin ang kamatayan upang ikaw ay makaranas ng buhay na walang hanggan.

    Kung nakikita mo ang iyong sarili na napapagod sa paghihintay, tumingala ka at magnilay. Maghanap ng katibayan ng presensiya ng Diyos, at alalahanin mo ang nagawa Niya para sa iyo. Ito ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng pag-asa.

Ang pag-asa sa Diyos ay hindi sayang dahil ang Siyang nakagapi sa kamatayan ang Siyang may kontrol pa rin, at Siya ay palaging kumikilos sa iyong paghihintay.

Pagnilayan ang Katapatan ng Diyos

Share this post:

Mag-isip ng isang inang nagbibigay ng inspirasyon sa iyo…

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob. - 1 Mga Taga-Corinto 13:4 - Bersikulong Larawan

Pagnilayan sa sandaling ito ang lahat ng espesyal na ina na kilala mo… Ang kaibigan na laging nandiyan sa tuwing kailangan mo siya. Iyong kapit-bahay mo na lubos ang pag-aalaga sa kanyang pamilya. Iyong babae sa trabaho na nagbibigay inspirasyon sa iyo na maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili. At, siyempre, nariyan din ang iyong sariling ina.

Ngayon ay isang magandang araw na sabihin sa lahat ng iyong mga paboritang ina kung gaano mo sila pinahahalagahan. Sabihing “salamat sa iyo” gamit itong espesyal na Bersikulong Larawan. (Karamihan ng mga ina na kilala natin ay matutuwa rin sa tawag sa telepono.)

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Share this post: