Kapag nagising ka sa umaga, ano ang una mong ginagawa? Kunin ang iyong telepono at mag-scroll sa Instagram? Suriin ang mga teksto at email? Tingnan ang balita?
Ang mga unang 5 minuto ay maaaring magtakda ng tono para sa iyong buong araw. Anong nararamdaman mo sa mga pagpiling ginawa mo sa oras na iyon? Nabagabag ka ba? Nabahala? Na parang nahuhuli ka na, kahit bago ka pa lamang babangon mula sa kama?
Paano kung aanyayahan mo ang Diyos na magsalita muna sa iyong sa pasimula ng araw? Bukas, bago ka gumawa ng anumang bagay:
1. Manalangin ng isang simpleng panalangin.
Siguro parang ganito:
Ama sa Langit, nawa ay tustusan mo ang mga pangangailangan ng aking pamilya ngayon. Ngunit mangyaring bigyan mo ako ng higit sa pagkain, Panginoon — mangyaring mangusap Ka sa akin sa pamamagitan ng Iyong Salita. At tulungan mo akong marinig ang Iyong tinig. Amen.
2. Basahin o pakinggan ang Bersikulo ng Araw, pansinin ang anumang namumukod-tangi.
Gagamitin natin ang talatang ito bilang isang halimbawa:
Mga halimbawa ng mga tala na maaari mong gawin:
– Sino ang aking “isa’t-isa”?
– Ang pag-ibig ay nagmula sa Diyos
– Dapat kong “kilalanin ang Diyos” upang makapagmahal ako ng totoo
3. Pag-isipan kung paano mong magagamit ang ipinapakita sa iyo ng Diyos.
Narito ang ilang mga ideya para sa ating halimbawang taludtod:
– Sa araw na ito, dapat kong hikayatin ang isang kaibigan
– Maaari ba akong sumali sa isang pangkat sa aking simbahan at kumonekta sa ibang mga tagasunod ni Jesus?
– Maaari ba akong magbigay ng pagkain para sa isang taong nagdadaan sa mahirap na sitwasyon?
4. Sa pagtatapos, manalangin muli.
Sa oras na ito, hilingin sa Diyos na tulungan ka sa anumang ipinakita niya sa iyo ngayon. Halimbawa:
Ama, salamat sa Iyong perpektong pag-ibig. Mangyaring ipakita Mo sa akin ang mga paraan kung paano ko masisimulang lalo Ka pang makilala. Tulungan Mo akong mahalin ang mga tao sa paraang ginagawa Mo. Mangyaring ipakita Mo sa akin kung ano ang susunod na nais Mong gawin ko. Salamat, Panginoon. Amen.
Ayan yun! Maaari mong gamitin ang parehong pamamaraan araw-araw—sa anumang sipi sa Banal na Kasulatan. O, mas mabuti, mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw, at araw-araw ang Bible App ay makakatulong na ipaalala sa iyo upang unahin ang Diyos at ang Kanyang tinig.
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean