Ano ang Mahal na Araw? |
Iyon ay ang linggo bago mamatay si Jesus. Isang linggo ng Kanyang pagbabahagi ng mga huling kaisipan at pagpapaalam. Isang linggo ng pagsasabi sa Kanyang mga alagad ng “Iniibig Ko kayo,” sa huling pagkakataon.
Iyon ay isang linggong puno ng sakit at pangako, na hahantong sa isang pangwakas, napakasakit na pagpapahayag:
“Naganap na.”
Sa isang huling paghinga, si Jesus ang naging huling sakripisyo natin. At dahil sa Kanyang kapangyarihan sa kamatayan, maaari na tayong maging ganap na buhay.
Ngayong Mahal na Araw, maglaan ng oras bawat araw hanggang sa pagsapit ng Pasko ng Pagkabuhay upang magnilay sa kahulugan ng sakripisyo ni Jesus para sa iyo. Subukan ang isang maikling Gabay para sa Pasko ng Pagkabuhay upang matulungan ka (at ang iyong pamilya) na itakda ang isipan ninyo kay Cristo.
Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay |
|
Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana Santa |
|
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean