Paano ihinto ang paggawa ng mga pagpiling pagsisisihan mo…

Taong hawak ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay

“Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawâ ang mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa.”

MGA TAGA-ROMA 7:18-19

Balikan ang isang pasyang nagawa kamakailan na hindi nagbibigay karangalan sa Diyos. Siguro sa sandaling iyon, ang pinili ay masaya sa pakiramdam, o marahil hindi mo alam kung paano magsabi ng “hindi.” Marahil ay ramdam mo lamang na naipit o pagod ka, at wala kang nakitang ibang paraan. Lahat tayo ay nakagawa ng mga bagay na nagpapabigat sa atin at nag-uudyok sa ating isipin, “Bakit parang ginagawa ko ang alam kong mali?”

Hinihimok tayo ng mundo na “sundin ang ating mga puso,” ngunit madali tayong nalilinlang ng ating mga damdamin na gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit sa tulong ng Diyos, maaari nating ihinto ang siklo na nagiging sanhi para gumawa tayo ng mga maling desisyon.

Ano ang kasalanan?

Nang magpasya sina Adan at Eva na ituloy ang isang bagay na “mabuti” na hiwalay sa Diyos, ang kanilang desisyon ay nagpapasok sa kasamaan sa mundo. Sa Banal na Kasulatan, ang kasalanan ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang mga aksyon na hindi umabot sa pamantayan ng Diyos na gusto Niyang hangarin natin: ang pamumuhay na nakasentro sa pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao.

Bagama’t may mga pangkalahatang pagkilos na lumalapastangan sa Diyos, ang maliliit na pagsuway ay naglalayo din sa atin sa Kanya. Isinulat ng alagad na si Santiago na isang kasalanan na malaman kung ano ang tamang gawin, at pagkatapos ay hindi mo ginawa iyon.”

Sa madaling salita, kung alam mo ang ipinapagawa sa iyo ng Diyos, at pagkatapos ay nagpasya ka pa ring suwayin Siya—winawalang-bahala mo ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo. Hinihimok tayo ng kasalanan dahil nagbibigay-kasiyahan ito sa sarili, ngunit nagreresulta ito sa walang-hanggang pagkahiwalay sa Diyos at sa ibang tao.

Paano tayo magbabago?

Habang tayo ay makasalanan pa, si Jesus ay dumating at namatay para sa atin. Ang Kanyang kusang-loob na sakripisyo at pagkawalay sa Diyos ay humantong sa ating pagkakasundo sa Kanya. Hindi ito dahil sa karapat-dapat tayo, ngunit dahil nais ito ng Diyos sa tuwina. Nais ng Diyos na tulungan tayong magbago sapagkat alam Niya na hindi natin malalampasan ang kasalanan sa ating sariling kakayahan.

Kaya kung hindi mo pa kilala si Jesus, ang unang hakbang na magagawa mo upang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang anyayahan Siya na baguhin ang iyong buhay.

Ngunit kung nabibilang ka na kay Jesus—binigyan ka na Niya ng biyaya, lakas, at kapatawarang kailangan mo upang mabuhay ng isang buhay na nagpaparangal sa Kanya. Kaya’t kapag nakita mong gumagawa ka ng mga pagpiling pagsisisihan mo sa kalaunan, narito ang ilang mga praktikal na hakbang na maaari mong gawin:

  1. Patuloy na lumapit sa Diyos araw-araw.

  2. Habang mas maraming oras ang ginugugol mo sa Diyos, mas gugustuhin mong igalang Siya at gawin ang Kanyang kalooban, at ginagawa nitong mas hindi kaakit-akit ang kasalanan. Sa paglipas ng panahon, ang Diyos ay babaguhin ang iyong isip at babaguhin ang paraan ng pag-iisip mo.

    Subukang gumugol ng 15 minuto kasama ang Diyos araw-araw sa linggong ito, at tingnan kung ano ang mangyayari kapag ginawa mo ito. Ang panalangin ay isang magandang lugar upang magsimula.

  3. Makipag-ugnayan sa komunidad.

  4. Hindi tayo nilikha upang tahakin ang buhay na nag-iisa—tayo ay nilikha upang palakasin ang bawat isa. Ang mga taong nakapaligid sa iyo ay makakaimpluwensya sa mga pagpiling gagawin mo. Pag-isipang tanungin ang ilang mga taong kakilala at iginagalang mo — maging online man o personal—na lumapit sa Diyos kasama mo.

    Subukang simulan ang isang Gabay Kasama Ang Mga Kaibigan.

  5. Hilingin mo sa Panginoon na siyasatin ang iyong puso.

  6. Maaari lamang tayong magbago kapag pinapayagan nating baguhin tayo ng Diyos. Pag-isipang i-save ang sumusunod na Panalangin sa iyong YouVersion app, at bawat araw, hilingin sa Diyos na baguhin ka:

O Diyos,

Hindi ko gusto na makibahagi sa masamang bisyo o hindi magagandang mga desisyon na hindi humahantong sa isang masaganang buhay. Kaya’t mangyaring ako’y siyasatin, at alamin ang aking puso. Subukin ang aking balisang pag-iisip. Ituro ang anumang bagay na nagpapagalit sa Inyo, at akayin ako sa landas ng buhay na walang hanggan. Nais kong baguhin Ninyo ang aking isipan upang malaman ko kung ano ang Inyong kalooban, at lumakad dito. Narito ako, Panginoon. Isinusuko ko ang aking puso—Ako ay Inyo.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese