Ikaw ay inaanyayahan
Kapag iniisip mo ang Kuwaresma, anong mga salita ang sumasagi sa iyong isip? Disiplina sa sarili? Sakripisyo? Tungkulin?
Magsisimula ngayon ang Kuwaresma, at ito ay isang 40-araw na panahon ng pagbibigay-puwang para sa Diyos patungo sa Pasko ng Pagkabuhay. Taun-taon, milyun-milyong mga Cristiano ang pinipiling isuko ang mga bagay-bagay para unahin si Jesus.
Ang Kuwaresma ay maaaring tila isang obligasyon, ngunit sa katunayan ito ay isang imbitasyon. Ito ay tungkol sa pagkakait sa ating sarili upang matuto tayong lumakad sa hindi pinilit na ritmo ng biyaya ng Diyos.
Sa pagitan ng ngayon at Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, lumikha ng puwang para sa kung ano ang pinakamahalaga. Gumugol ng ilang minuto bawat araw kasama ang Diyos. At, malaman na milyun-milyong tao ang skasama mo, na inuuna si Jesus.
Pumili ng Gabay sa Kuwaresma:
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Ukrainian Vietnamese