

Tapusin ang dekada na malakas:
Kumpletuhin ang isa sa mga pinakasikat na Mga Gabay sa Biblia ng 2019 at ihanda ang iyong puso para sa mga plano ng Diyos para sa iyo sa 2020:


Kumpletuhin ang isa sa mga pinakasikat na Mga Gabay sa Biblia ng 2019 at ihanda ang iyong puso para sa mga plano ng Diyos para sa iyo sa 2020:
2,000 taon na ang nakalilipas, naparito si Jesus sa mundo upang maging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.” At sa pamamagitan ng sakripisyong ito ng pag-ibig, ngayon ay nararanasan nating maging malapit sa Diyos magpakailanman!
Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Jesus ngayon, narito ang isang paraan kung paano mo maipalalaganap ang dakilang balita ng Kanyang pag-ibig: ibahagi ang Bersikulong Larawan na nasa itaas sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Mula sa aming lahat sa YouVersion, nais namin kayong batiin ng isang Napakaligayang Pasko!
Panginoon, salamat sa lubos na pag-ibig Mo sa amin na ibinigay Mo ang Iyong Anak para sa amin, kahit bago Ka pa namin ibigin.
Salamat sa pag-anyaya sa amin sa Iyong pamilya.
Para sa aming lahat na magkakapatid sa pananampalataya, tulungan Ninyo kaming magmahalan sa ganap na pagkakaisa.
Ama, tulungan Ninyo kaming makita ang bawat tao tulad ng pagtingin Ninyo sa kanila.
Tulungan Ninyo kaming ibigin sila tulad ng pag-ibig Ninyo sa kanila — kahit hindi nila kami ibigin pabalik.
Ipakita po Ninyo sa amin kung paanong patuloy na lumakad kaagapay ang Iyong pag-ibig, iyong ganap na pag-ibig na pumapawi sa anumang pagkatakot.
Mahal namin Kayo, Panginoon.
Amen.
Magsimula ng Isang Gabay na Pampasko o Pang-Adbiyento
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang Panalanging Pang-Adbiyento na ito ay ang huli sa serye ng apat.
Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig

Ilang linggo na nating inihahanda ang ating mga puso nang may pag-asam na puno ng pag-asa, at ngayon, isang linggo na lamang ay Pasko na. Magdiwang kasama namin habang pinagninilayan natin ang ganap na kaloob ng Diyos para sa atin: ang Kanyang nag-iisang anak, si Jesus. Habang kayo ay nagtitipon kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya ngayong kapaskuhan, alam naming ikatutuwa mong kumonekta sa Salita ng Diyos sa pamamagitan nitong mga maliliwanag na mga paalala ng pag-asa at kagalakan na mayroon tayo kay Cristo.
Ang Kwento ng Pasko
YouVersion, 5 Araw
Basahin o pakinggan ang kumpletong biblikal na salaysay ng kapanganakan ni Cristo, mula sa mga pahayag patungkol sa Tagapagligtas na darating, sa kanyang mababang pinagmulan sa isang sabsaban, hanggang sa Emmanuel: ang Diyos na kasama natin.

Ipagdiwang ang pagdating ni Jesus na may masasaya, touch-activated na mga animation at makukulay na likhang sining. Ang mga kabataan sa iyong buhay ay gugustuhing tuklasin ang lahat ng 41 na mga kuwento sa Pambatang Bible App. Magugustuhan mo rin kung papaano ang mga gawain na Story Mixup, Story Memory Match, at Story Sticker Time ay makatutulong sa kanila na maalala ang mga bagay na kanilang pinag-aaralan. Binuo ng YouVersion ang Pambatang Bible App sa pakikipagtulungan ng OneHope upang bigyan ang mga bata ng sarili nilang karanasan sa Biblia. Naka-install na sa mahigit na 34 milyong mga device sa buong mundo, ang Pambatang Bible App ay nasa 50 na mga wika — at ito ay palaging libre.