Pamayanan — isang lupon ng mga indibidwal na nagkakaisa sa pakikisama, pagbabahagi ng mga saloobin, mga hilig, at mga layunin.
Sumulyap ka sa iyong kaliwa, tapos naman ay sa iyong kanan. Sino’ng mga kasama mo? Sila ba ay itinuturing mong mga kaibigan? Ang mga oras ba na ginugugol ninyong magkakasama ay nagpapabuti sa inyo bilang mga tao? O ang mga bagay na inyong ginagawa nang magkakasama minsan ay humahantong sa pagsisisi?
Ang mga relasyon ay parang sustansya sa ating kaluluwa. Nagbibigay kalusugan ba ang mga taong malapit sa iyo? O kayo ba ay nagpapakalabis sa mga junk food? Ikaw ay direktang naiimpluwensiyahan ng mga taong lagi mong kasama. Kahit na pakiramdam mo na naiiba ka sa kanila ngayon, sa limang taon… ay hindi na.
Ginawa tayo ng Diyos nang nangangailangan sa bawat isa. Tayo ay may iba’t ibang kakayahan at kalakasan, iba’t ibang kabiguan at kahinaan. Kapag tayo ay nagsama-sama, maaari nating patnubayan ang isa’t isa, magtulungan, hikayatin ang bawat isa, at hamunin na rin ang isa’t isa na lumago.
Ito ang 3 simpleng mga bagay na maaari mong gawin upang pasimulan ang iyong pamayanan:
Tumawid ng Kalsada
Kilala mo ba ang iyong mga kapitbahay? Kung nakatira ka sa parehong lansangan, o kahit sa parehong gusali, mayroon na kayong pagkakapareho. Huwag mo masyadong isipin ito. Mahal ni Jesus ang iyong kapitbahay. Marahil na ikaw rin… at hindi mo lang alam sa ngayon.
Hamon: Magsimula ng isang pag-uusap sa pakikipag-kamay at magsabi ng, “Paumahin, hindi pa ata tayo nagkakakilala. Ako ay si _____. Ikaw?” Kahit ikaw ay nahihiya, kailangan mo lamang lakasan ang iyong loob ng 30 segundo.
Magbahagi ng isang Karanasan
Lahat tayo ay may mga bagay na dapat pag-usapan, mga hamon na mas mauunawaan kung pinag-uusapan. At lahat tayo ay mayroong maiaalay, kahit isang tainga na handang makinig.
Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan upang gumawa ng isang bagay nang magkasama: pagsaluhan ang isang pagkain, gumawa ng isang proyekto, o kahit maglakad nang sabay. Mag-usap tungkol sa kahit na ano. Maging tapat, at maging totoo.
Mag-imbita ng Malalim na mga Pagkakaibigan
Tayo ay paulit-ulit na pinaaalalahanan ng Biblia na kailangan natin ng mga tao na ating mapagkakatiwalaan: Mga malalapit na kaibigan na hihikayat sa iyo, magbibigay-inspirasyon sa iyo, hahamon sa iyo, magmamahal sa iyo, at magdarasal para sa iyo. At kailangan ka rin nila upang gawin ang mga ito para sa kanila.
Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan (o 3) upang samahan ka sa Bible App, pagkatapos ay magbasa ng isang Gabay nang magkasama.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean