|
Isipin ang mga alagad ni Jesus na kasama Niya sa bangka nang may mapanganib na bagyong bumugso. Hindi sila handang harapin ito at, nagkagulo sila, dahil napagtanto nilang maaari silang mamatay. Sa buong panahong ito ay nangyayari, si Jesus ay mapayapang natutulog.
Sa halip na tingnan ang reaksyon ni Jesus sa kanilang sitwasyon, pinahintulutan ng mga alagad na ang sitwasyon ang magdikta ng kanilang reaksyon.
Matapos humiling kay Jesus na gumawa ng isang bagay, pinapakalma Niya ang bagyo… Ngunit hindi bago tinanong sila, “Bakit kayo natatakot?”
Ang Kanyang mahinahong pagtutuwid sa kakulangan nila ng pananampalataya ay hindi dahil hindi nila pinaniwalaan na maililigtas sila ni Jesus sa bagyo, kundi dahil nahirapan silang maniwala na maitatawid Niya sila mula rito.
Kapag natatagpuan natin ang mga sarili natin sa mga bagyong hindi natin kayang pigilin, paano natin ito tinutugon nang may pananampalataya? Narito ang tatlong nakapanghihikayat na katotohanang dapat tandaan:
1. Ang Diyos ay may kapangyarihan laban sa mga bagyo.
Kung Siya ay hindi nababahala sa hangin at mga alon, hindi ka dapat matakot sa mga ito. Maaaring hindi mo mabago ang iyong sitwasyon, ngunit maaari mong piliing tapat na magtiwala sa Diyos sa gitna nito.
2. Ang pagtutuon ng iyong mata kay Jesus ay naghahatid ng kapayapaan.
Tumitingin ka ba sa laki ng bagyo, o sa Kanya na nagpapatahimik nito? Tanging sa pamamagitan ng pagtutok sa Diyos, na Siyang nakababatid ng bawat kahihinatnan, makakayang pagdaanan ang anumang sitwasyon sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapayapaan.
3. Si Jesus ay laging nasa bangka mo.
Madaling tumutok sa iyong mga takot kapag hindi mo kayang kontrolin ang iyong hinaharap. Ngunit salamat na lamang, batid ni Jesus ang iyong hinaharap, at lagi Siyang nasa tabi mo. At, tinatawag ka Niyang mabuhay sa pananampalataya, hindi sa iyong nakikita.
Sa tuwing natatagpuan mong nabibigatan ka sa buhay mo, lagi kang may dalawang pagpipilian: maaari kang tumutok sa iyong sitwasyon, o maaari mong ituon ang iyong mga mata kay Jesus.
Kapag pinili mong tingnan si Jesus nang higit sa lahat, makikita mong ang mga bagyong hinaharap mo ay hindi kasing lakas ng Tagapagligtas na pinipiling lumakad kasama mo sa gitna ng bagyo.
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean