100 na mga Wika. 36 na mga Bansa.

100

Isang hindi kapani-paniwalang bagay ang nangyayari.

Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kilusan na nakatuon sa pagbibigay sa bawat tao sa planeta ng paraan upang mabasa ang Banal na Kasulatan.

At, kakaabot lang natin ng isang malaking napakahalagang pangyayari. Sama-sama, nag-ambag tayo sa pagpopondo ng mga pagsasalin para sa 100 mga wika sa 36 na mga bansa!

Magbigay Ngayon

Ang iyong pagkabukas-palad ay nagbigay-lakas sa mga tagapagsalin at mga tagapaglathala ng Biblia sa buong mundo. At, binibigyan nito ang milyon-milyong mga tao ng paraang mabasa ang Salita ng Diyos sa kanilang wika.

Kabilang dito ang pagtulong na pondohan ang Kasulatan sa Colombian Sign Language, isang bagong pagsasalin ng Biblia sa Ukrainian, mga wika ng tribo sa Ghana, at marami pang iba.

Ang Diyos ay gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng ating Komunidad. At ito ay simula pa lamang…

May pagkakataon pa ring tumulong na pondohan ang libo-libong mga pagsasalin ng Biblia. Maaari kang maging bahagi ng pagkilos ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

“Nasaan ang Diyos kapag pakiramdam kong mag-isa ako?”

Taong nakatanaw sa anyong tubig

Kahit pakiramdam mong nag-iisa ka, kasama mo pa rin ang Diyos.

Ngunit kung ang Diyos ay malapit, bakit hindi mo maramdaman ang Kanyang presensiya o magkaroon ng Kanyang kapayapaan?

Si Elias ay isang tapat na lingkod ng Diyos, gayunpaman nakipaglaban siya sa kalungkutan. Matapos talunin ang mga huwad na propeta ni Baal, siya ay natakot, at nagtago sa isang yungib na nangangamba, talunan, at lubos na nag-iisa.

Ngunit, hindi siya pinabayaan ng Diyos.

Kung nararamdamang malayo ang Diyos, narito ang tatlong paalala tungkol sa Kanyang katangian mula sa kuwento ni Elias.

  1. Maaari kang maging tapat sa Diyos tungkol sa iyong nararamdaman.

    Nagpakita ang Diyos kay Elias at nagtanong, “Ano ang ginagawa mo rito?”

    Sumagot si Elias, “Ako na lamang ang natitirang propeta, at ngayon sinusubukan din nila akong patayin.”

    Naging tapat si Elias sa Diyos. Siya ay nangangamba para sa kanyang buhay at nag-alinlangan sa kung paano gagamitin ng Diyos ang kanyang kalagayan para sa kabutihan.

    Ngunit hindi natakot o nasaktan man ang Diyos sa kanyang pagiging tapat.

    Tulad ng isang matalik na kaibigan, hindi iniwan ng Diyos si Elias sa oras ng kanyang pangangailangan. At, totoo rin ito para sa iyo. Kailanman ay hindi ka Niya iiwan o pababayaan.

  2. Kahit pakiramdam mong nag-iisa ka, palagi mong kasama ang Diyos.

    Nanganganib ang buhay ni Elias, kaya’t ginawa niya ang bagay na tangi niyang naiisip—magtago.

    Kapag tayo ay natatakot, maaari nating makalimutan ang pangako ng Diyos na sasamahan tayo at umasa sa ating sariling lakas upang makaligtas.

    Kahit na nakakalimutan natin ang pangako ng Diyos, ipinapaalala Niya sa atin na Siya ay malapit.

    Sinabi ng Diyos kay Elias na tumindig sa bundok. Isang malakas na hangin ang humagupit sa bundok. Pagkalipas ng hangin, ay isang lindol. Pagkatapos ng lindol, nagkaroon ng apoy.

    Ngunit ang Diyos ay wala sa hangin, lindol, o apoy.

    Pagkatapos ng apoy, dumating ang isang banayad na bulong. At sa sandaling iyon nalaman kaagad ni Elias na kasama niya ang Diyos.

    Madalas nating hinahanap ang Diyos sa malalaking sandali ng ating buhay, ngunit Siya rin ay nasa katahimikan.

  3. Inihahayag ng Diyos ang hindi mo nakikita.

    Inakala ni Elias na siya na lamang ang natitira na naniniwala pa rin sa Diyos.

    Ngunit inihayag ng Diyos na 7,000 sa Israel ang hindi yumukod sa pagsamba kay Baal.

    Pakiramdam ni Elias ay siya na lamang mag-isa, ngunit ipinaalala sa kanya ng Diyos na hindi.

    Ang kalungkutan ay hindi palaging nagmumula sa pagiging mapag-isa. Maaari rin itong magmula sa pag-iisip na ika’y nag-iisa.

Tulad ni Elias, marahil ay nasa isang lugar ka kung saan pakiramdam mo ika’y napabukod, iniwanan o kinalimutan.

Tandaan lamang, hindi mo kailangang maramdaman ang Diyos para malaman na Siya ay malapit. Ang Diyos ay laging kasama mo.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang Ibig Sabihin Nito?

Taong gumagamit ng phone

Natagpuan mo na ba ang iyong sarili na nagbabasa ng mga talata sa Biblia nang maraming beses, sinusubukang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito?

Ang mga Gabay ay isang mahusay na paraan upang matulungan kang maunawaan ang Biblia at lumago sa iyong pananampalataya.

At, kapag ang ating pundasyon ay natatag sa Salita ng Diyos, ang ating pananampalataya ay lumalakas, binabago ang bawat aspeto ng ating buhay.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Haylayt ng Komunidad

Chris

ANG IYONG SINASABI

“Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay palaging nakakaapekto sa akin…”

CHRIS, ESTADOS UNIDOS

Sa loob ng maraming taon, pagdating sa pagbabasa ng Biblia, ako’y limitado lamang sa mababaw na antas ng pang-unawa.

Ngunit nang magsimula akong makinig sa mga Audio na Biblia, lubusang nagbago ang aking karanasan. Sa wakas ay ganap ko nag makakatagpo ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay pinagmumulan ng kahihiyan, ngunit nakakatulong sa akin ang pagmamalasakit ng YouVersion sa aking mga pangangailangan na madama na ako ay sinusuportahan at kilala.


Para makinig sa mga Audio Bibles, buksan ang paborito mong bersyon ng Biblia sa app at pindutin ang icon ng speaker sa itaas ng iyong screen.


MGA FEATURE NA GUSTO MO

Mga Paalala sa Panalangin

Lahat tayo ay maaaring nangangailangan ng isang paalala sa bawat sandali na maaari tayong makipag-usap sa Diyos tungkol sa anumang bagay.

Para i-set up ang Mga Paalala sa Panalangin, pumunta sa iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at pindutin ang “Paalalahanan akong manalangin.”

Magsimula Na


MGA GAWI SA BIBLIA NA IYONG KINAUUGALIAN

Noong nakaraang buwan, nakumpleto ng ating Komunidad ang mahigit 69,000,000 Araw ng Gabay.

Katumbas iyon ng buong populasyon ng United Kingdom na nagbabasa ng isang Araw ng Gabay.

Magsimula ng Gabay

Sa Mga Gabay, lumalago ka upang mapalapit sa Diyos araw-araw, kasama ng magkakaibang, pandaigdigang Pamayanan. Iyan ay isang bagay na dapat ipagdiwang!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano’ng Ipinapanalangin Mo?

Taong nananalangin

Kung ang isang bagay sa iyong buhay ay malaki na upang alalahanin, ito ay sapat na upang ipanalangin.

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Pumili ng isa sa mga panalanging inangkop ayon sa pangangailangan upang idagdag sa iyong Listahan ng Panalangin sa YouVersion.


Nag-aalala ako tungkol sa…

O Diyos, kapag iniisip ko ang tungkol sa ______ nakadarama ako ng ______. Tulungan akong ituon ang aking mga mata sa Inyo kapag may mga bagay na hindi ko kontrolado. Paalalahanan ako na hindi Ninyo ako susukuan dahil nagmamalasakit Kayo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Umaasa ako sa…

O Diyos, nauunawaan Ninyo ang kaibuturan ng aking ninanais at pangangailangan. Tulungan akong isuko ang aking mga inaasam tungkol sa ______. Habang ginagawa ko ang Inyong mga plano, tulungan akong matandaan na tinulungan na Ninyo ako sa ______. Ipakita sa akin kung paano mamuhay ng isang buhay na karapat-dapat sa pagtawag na ibinigay Ninyo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Ang aking relasyon sa…

O Diyos, isinusuko ko ang aking relasyon sa ______ sa Inyo. Gabayan kami sa aming pag-susuong sa kapanahunang ito. Tulungan akong makita kung saan ako ______ at ______ upang maisuko ko ang mga bagay na iyon sa Inyo at mapalitan ang mga katangiang iyon ng Inyong walang pag-iimbot na pag-ibig. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Pagkatapos gumawa ng Panalangin, siguraduhing i-tap ang Ibahagi sa Mga Kaibigan upang magdasal sila para sa iyo!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email