Kasama ang One Hope, ikinagagalak naming ipaalam sa inyo na narito na ang Pambatang Bible App sa Filipino (Tagalog). Ngayon, mas marami ng bata ang magkakaroon ng pagkakataong maranasan ang Biblia sa mas personal at katangi-tanging paraan.
Ang pagsasalit-salit ng mga wika ay madali lang dahil andoon na sa app Settings! Siguraduhin lang na nai-update mo ang iyong app sa pinakabagong bersiyon nito pagkatapos ay hanapin sa Settings ang “Wika”. Pumili mula sa Afrikaans, Aleman, Arabe, Brazilenyong Portuges, Español, Farsi, Filipino (Tagalog), Frances, Hapon, Indonesiyo, Ingles, Koreano, Olandes, Ruso, Tsino (nagsasalita sa Mandarin gamit ang Pinasimple o Tradisyonal na titik), at Turko. Ang pagsasalita ay maririnig sa piniling wika, at ang teksto ay makikita sa wika ding iyon!
Tulungan ninyo kaming ipagdiwang ang napakagandang balitang ito!
Patungkol sa Pambatang Bible App
Binuo kasama ang OneHope, ang Pambatang Bible App ang pinakabagong app mula sa YouVersion, may likha ng Bible App. Dinisenyo para bigyan ang bawat bata ng isang personal at kasiya-siyang karanasan sa Biblia, ang Pambatang Bible App ay nailagay na sa higit na 11 milyong Apple, Android at Kindle na aparato, at lagi-lagi, ito ay libre. Nae-enjoy na ng mga bata mula sa lahat ng dako ng mundo ang Pambatang Bible App―sa Afrikaans, Aleman, Arabe, Brazilenyong Portuges, Español, Farsi, Hapon, Indonesiyo, Ingles, Koreano, Olandes, Pranses, Ruso, Tsino (nagsasalita sa Mandarin gamit ang Pinasimple o Tradisyonal na titik), Turko, at ngayon…sa Filipino (Tagalog)!
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles