Kung tulad ka ng karamihan ng mga magulang na kilala namin, araw-araw, ika’y nagsusumikap na mag-asikaso ng makakain, nagugulumihanan sa kanilang pag-aaral, at namamahala sa pagkabagot ng inyong mga anak—lahat ng ito habang patuloy mong pinag-iisipan ang tungkol sa iyong trabaho at inyong hinaharap. Nais naming malaman mo: Kami’y narito para sa iyo.
Anuman ang edad ng iyong mga anak, para bang napakarami ng kanilang mga tanong tungkol sa lahat ng mga nangyayari. Halos isang magdamag, ang lahat ng kanilang pang-araw-araw na gawain na kanilang sinusunod para sa kaayusan ay nagbago. Isa sa mga pinakamabubuting magagawa natin para sa kanila ay ang magpatupad na isang bagong “normal.”
Narito ang 3 bagay na maaari mong subukan sa iba’t-ibang oras sa buong araw upang tulungang umakma ang iyong mga anak:
-
Tanungin ang iyong mga anak kung ano ang kanilang iniisip. Pagkatapos ay makinig.
Kahit magsabi sila ng mahirap o mga nakakabagabag na mga bagay, subukan mong huwag magpakita ng pag-aalala sa iyong mukha. Kailangan ng iyong mga anak ng isang ligtas na puwang upang magsalita, at ang pagkakataon upang ganap na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mga damdamin sa kanilang sariling pananalita.
-
Maging huwaran na nais mong tularan nila sa iyong pamamahay.
Espirituwal na pangalagaan ang iyong sarili sa panahong ito, nang sa gayon ay maibigay mo ang emosyonal na suporta na kanilang kailangan. Heto ang ilang lugar kung saan ka makahahanap ng kapayapaan at panghihikayat para sa iyo:
-
Manalangin kasama ang iyong mga anak, sa isang takdang panahon.
Ang Pananalangin o Pagdarasal ay pagkakaroon lamang ng isang pakikipag-usap kasama ang Diyos, pagsasabi sa Kanya kung ano ang iyong iniisip at nadarama, paghingi sa Kanya ng mga bagay na iyong kailangan, at pagpapasalamat sa Kanya (kahit para sa maliliit na tagumpay). Maaari kang manalangin anumang oras, ngunit ang paggawa nito nang magkasama sa umaga, sa oras ng pagkain, at sa oras ng pagtulog ay isang madaling paraan upang magtakda ng isang gawain sa bawat araw. Narito ang isang simpleng halimbawa:
Mahal na Jesus, salamat po para sa aming pamilya. Tulungan Mo po kaming mahalin ang bawat isa, alagaan ang bawat isa, at maging mabait. Mangyaring ipakita Mo nawa sa amin kung paano namin dapat mahalin ang aming mga kapwa at mga kaibigan. Salamat po. Amen.
Bonus! Malinaw na tukuyin ang iyong mga araw.
Kung ang iyong mga anak ay nasanay sa isang lingguhang iskedyul—ikaw na nasa trabaho at sila na nasa paaralan o daycare—maaaring magsimulang maging magulo ang bahay kapag ang lahat ay narito. Ang pagbibigay ng tema sa bawat araw ng linggo ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng ritmo, isang pakiramdam ng istruktura. Narito ang ilang halimbawa:
-
Taco Tuesday – Wala kayong sangkap para sa taco? Magpalaman ng tinapay, taco style, at tiklupin ito sa kalahati.
-
Wacky Wednesday – Magsuot ng medyas na hindi magkapares. I-type ang “recipe” sa Google, at gamit ang mga kung anu-anong sangkap na mayroon ka, gawin iyon ng magkasama.
-
Funny Friday – Maglaro. Maging nakakatuwa. Magbiro. Manood ng nakakatawang pelikula o palabas sa TV. Gawing Gabi ng Palaro ang gabi ng Biyernes.
-
Special Sunday – Sambahin ang Diyos nang magkasama. Maghanap ng church service online. (Maraming simbahan ang nagsasagawa ng mga pambatang palabas sa ngayon.) Manood ng video sa Bible App nang magkasama at pag-usapan ito.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean