Ginawa ito para sa iyo…

Si Jesus ay kumakain ng huling hapunan kasama ang mga alagad

May naiisip ka bang espesyal na pagkain na pinagsaluhan n’yo ng mga taong mahal mo?

Sa araw na ito, inaalala natin ang Huling Hapunan ni Jesus kasama ang Kanyang mga alagad. Habang kumakain sila ng tinapay at umiinom mula sa kopa, ibinahagi Niya ang Kanyang pangako na magbibigay ng bagong buhay sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan.

Ito ang aking dugo ng tipan, na ibinuhos para sa marami para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

MATEO 26:28

Buksan ang Pinatnubayang Kasulatan ngayon upang malaman ang tungkol sa sakripisyo ni Jesus at ang kahalagahan ng Huling Hapunan.

Buksan ang Pinatnubayang Banal na Kasulatan

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Dumarating na ang iyong hari…”

Nakasakay si Jesus sa isang asno na napapaligiran ng maraming tao

Ang Linggo ng Palaspas ay ang araw na inaalala natin ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, kung saan Siya ay tinanggap na tulad ng isang hari.

Ito rin ang unang araw ng Mahal na Araw, isang panahon upang pagnilayan ang mga pangyayari na humahantong sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.

Kaya sa linggong ito, ihanda ang iyong puso para sa Linggo ng Muling Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Pinatnubayang Banal na Kasulatan bawat araw sa Bible App!

Buksan ang Pinatnubayang Banal na Kasulatan

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano mo magagawang bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang Biblia?

Taong Nakangiti

Ang pagbabago sa buhay ay nagsisimula sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita! At ang Bible App ay ginawa para tulungan kang patuloy na hanapin ang Diyos.

Narito ang 3 paraan upang sadyang maglaan ng oras kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Bible App ngayong taon.


MAG-ARAL NG SALITA NG DIYOS

Gamit ang Reader, maaari mong pag-aralan ng mas maigi ang Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga haylayt, tala, panalangin, at marami pang iba. I-tap ang isang bersikulo sa Biblia para makapagsimula.

Icon ng ReaderBuksan ang Reader


MAGTAKDA NG PAALALA

Sa mga Paalala, maaari mong sadyang magtakda ng oras para kumonekta sa Diyos araw-araw. Magtakda ng paalala sa iyong mga setting ng Bible App para hindi mo ito makaligtaan!

Icon ng PaalalaMagtakda ng Paalala


MAGDAGDAG NG IYONG MGA KAIBIGAN

Tulad ng social media, maaari kang magdagdag ng Mga Kaibigan sa Bible App at lumago sa Salita ng Diyos nang magkasama sa pamamagitan ng:

  • Pagsisimula ng isang Gabay sa Biblia
  • Pakikipag-ugnayan sa Feed ng Komunidad
  • Pagdarasal para sa isa’t isa na sa pamamagitan ng mga kahilingan sa panalangin

Icon ng KaibiganMagdagdag ng mga Kaibigan


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pagnilayan ang Bersikulo ng Taon

Taong nakatingin sa abot-tanaw

Maglaan ng ilang sandali upang isipin ang tungkol sa iyong taon. Anong mga saloobin at damdamin ang pumapasok sa isip?

Kung nakaranas ka ng saya, pasalamatan ang Diyos sa mga sandaling iyon. At kung dumaan ka sa mahihirap na panahon, dalhin mo ang mga iyon sa Panginoon. Ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama na gustong lumakad kasama mo anuman ang mangyari.

Kaya ngayon, paalalahanan ang iyong sarili tungkol sa katotohanang iyon sa pamamagitan ng pagninilay sa 2024 Bersikulo ng Taon—ang talata sa Biblia na ibinahagi, ini-save, at pinaka-madalas na i-highlight ng ating pandaigdigang YouVersion Community.

Tuklasin ang Bersikulo ng Taon

May kilala ka pa bang ibang tao na makikinabang sa pagbubulay-bulay sa Bersikulo ng Taon? Ibahagi ito sa kanila ngayon!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Narito na ang Pamaskong Hamon…

Pamaskong Hamon Badge

Sa napakaraming nangyayari sa ating paligid, madalas nating nakakalimutan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon, maglaan ng oras upang pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsama sa mga tao sa buong mundo habang sila ay nagiging mas malapit sa Diyos sa pamamagitan ng Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng Pamaskong Hamon Badge!

At narito ang ilan upang matulungan kang magsimula:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email