Posted on 2021-06-272021-07-05 by Mga Babasahing Gabay sa Biblia – Hunyo 2021 Gawing Una ang Diyos 5 Araw Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang “beterano” na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano. Paghahanap ng Daan Pabalik sa Panginoon 5 Araw May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga tatak ng ating pinagdaanan—o ng ating pagkagising—sa ating paghanap sa daan pabalik sa Diyos. Maglakbay sa bawat karanasang ito at hayaang maging mas maikli ang distansya sa pagitan ng kinaroroonan mo ngayon at sa kung saan mo gustong pumaroon. Kung nais nating matagpuan ang Panginoon, mas ninanais Niyang matagpuan Siya. Paano Magsisimulang Magbasa ng Biblia 4 na Araw Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pang-araw-araw na ugali sa pagbabasa, at kung paano isasabuhay ito ngayon. Mga Mapanganib na Panalangin 7 Araw Pagod ka na ba sa pagiging segurista sa iyong pananampalataya? Handa ka na bang harapin ang iyong mga pangamba, patibayin ang iyong pananampalataya, at palayain ang iyong potensyal? Itong 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa aklat na Dangerous Prayers ni Pastor Craig Groeschel ng Life.Church ay humahamon sa iyong magsapanganib sa panalangin—dahil ang pagsunod kay Jesus ay di kailanmang nilayong maging ligtas.