Paano Makakatulong ang Pagkabukas-palad sa Pagbabago ng Buhay: Ang Kuwento ni Diya

Ano ang gagawin mo kapag nakakaramdam ka ng pagkagapi, pagkatakot, o kawalan ng lakas?

Para kay Diya, bumaling siya sa Salita ng Diyos sa YouVersion sa isang madilim na panahon, at ang Banal na Kasulatan ang nagligtas sa kanya.

Diya

Nang lumipat si Diya mula sa New Zealand patungong India, natagpuan niya ang kanyang sarili na walang koneksyon, walang komunidad, at walang simbahan.

“Ang pinakaunang naisip ko nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ako karapat-dapat na mabuhay. Naramdaman kong ako ay nag-iisa, at wala akong maibibigay.”

Alam ni Diya na kailangan niyang bumaling kay Jesus, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Noong kumonekta ako sa Banal na Kasulatan sa YouVersion ay doon ko nagawang baguhin ang paraan ng aking pag-iisip.”

Sa pamamagitan ng YouVersion, natagpuan ng Diyos si Diya sa kanyang kawalan ng pag-asa at nagbigay ng pag-asa at kagalingan nang siya ay lubos na nangangailangan nito.

Maaari kang maging bahagi sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Kapag namumuhay ka nang bukas-palad, tinutulungan mo ang mga tao sa buong mundo na maranasan ang nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Sasali ka ba sa kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo ngayon?

Magbigay Ngayon

Ang pinakamabuting paraan upang mag-ambag sa YouVersion ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang 2022 Pamaskong Hamon ay narito na!

Pamaskong Hamon Badge

Sa dinami-dami ng nangyayari sa ating paligid, madalas nating nalilimutan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon, maglaan ng oras upang pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsama sa mga tao sa buong mundo habang sila ay nagiging mas malapit sa Diyos sa pamamagitan ng Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng 2022 Pamaskong Hamon Badge!

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

2022 Bersikulo ng Taon

Ang bersikulo ng Biblia na pinakamadalas naibahagi, nai-bookmark, at nai-haylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa 2022 ay…

Isaias 41:10 - Bersikulong Larawan

“Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.”

Isaias 41:10

Sa pagbabalik-tanaw sa taong ito, isipin ang isang pagkakataon kung kailan kinailangan mong mapaalalahanan sa Presensya ng Diyos, sa Kanyang pag-ibig, at sa Kanyang kalakasan.

Marahil kailangan mo ang mga bagay na iyon ngayon.

Dapat mong malaman na hindi ka nag-iisa.

Ikaw ay bahagi ng isang pandaigdigang Komunidad na nakakaranas ng parehong pag-asa sa iba’t ibang wika at bansa sa buong mundo.

At hindi ito nagtatapos dito.

Isipin ang isang tao sa iyong buhay na kailangang marinig na ang Diyos ay kasama nila ngayon, at hikayatin sila gamit ang espesyal na Bersikulong Larawan na ito.

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Sumali sa Kilusan ngayong Martes ng Pagbibigay

Larawan ng mga kamay na may hawak na puso

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo… at binabago nito ang mga tao sa buong mundo, katulad mo, araw-araw!

Ngayong Giving Tuesday, gumawa ng agarang epekto na may panghabambuhay na kaibahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa YouVersion.

Magbigay Ngayon


Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang iminungkahi sa iba ang YouVersion dahil sa iba’t ibang wika na mayroon ito. Ibinahagi ko pa ito sa aking kinakapatid na nasa Hong Kong, at ngayon ay isa na siyang mananampalataya!

Ang Diyos ay gumagawa ng dakilang gawain sa pamamagitan ng YouVersion—kaya ako ay nagbibigay.

HELEN, CANADA


Sa loob ng maraming taon, nakita ko ang aking sarili na nauubos ang panahon sa mga bagay na hindi mahalaga sa social media.

Ngunit sa YouVersion, napupuno ko ang aking isipan ng katotohanan ng Diyos, saan man ako magpunta.

TIMOTHY, ESTADOS UNIDOS


Sa pamamagitan ng Bersikulo ng Araw, naibabahagi at naipapaliwanag ko ang Banal na Kasulatan sa aking pamilya. Binago nito kung paano kami nagbabasa ng Salita ng Diyos nang magkasama.

PHUMZILE, TIMOG AFRICA


Tumulong na isulong ang isang pandaigdigang kilusan sa pamamagitan ng pagsuporta sa ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Magbigay Ngayon

Matutulungan mo ba ang mas maraming tao na matuklasan ang YouVersion sa Giving Tuesday na ito? Pagkatapos mong magbigay, ibahagi sa social media kung paanong ginamit ng Diyos ang YouVersion sa iyong buhay. Gamitin ang hashtag #Giving Tuesday at i-tag kami sa @youversiontl.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ipagdiwang ang Adbiyento gamit ang mga Gabay sa Biblia na ito.

Kandila

Ang Adbiyento ay isang pagkakataon upang ihanda ang ating mga puso para sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus. Ito ay isang oras na minarkahan ng pag-alala sa lahat ng ginawa ng Diyos at pag-asam para sa lahat ng Kanyang gagawin.

Anuman ang nararamdaman mo sa panahong ito, makakahanap ka ng kapahingahan at katiyakan sa kaloob ni Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan ng kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga Gabay sa Adbiyento na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email