Bagong Aparato? Huwag Kalimutang I-install ang YouVersion

Tao sa telepono

Isipin ang tungkol sa bago at maningning na aparatong hindi mo na mahintay gamitin. Ang mga aparatong ito ay magpapadali sa ating buhay at makakatulong upang manatili tayong konektado sa mga taong mahal natin. Ngunit makakatulong din ang iyong mga aparato na manatiling konektado sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Kunin ang mga bagay na kakailanganin mo upang magkaroon ng espiritwal na paglago sa 2022 sa pamamagitan ng pag-iinstall ng mga app na makakatulong sa iyo at sa iyong pamilyang hanapin ang Diyos araw-araw.

Filipino Bible App

Basahin o pakinggan ang Biblia, tuklasin ang mga pang-araw-araw na debosyonal, magbahagi ng mga kahilingan sa panalangin sa Mga Kaibigan, at higit pa.

I-download

Pambatang Bible App Jesus

Tulungan ang mga batang makisali sa 41 mga kuwento sa Biblia sa pamamagitan ng mga nakakatuwang animasyon at mga aktibidad na nakaka-engganyo.

I-download

Saan ka man pumunta, hayaan mong samahan ka ng Salita ng Diyos.

Mayroon ka na ng App
sa iyong mga aparato?

Ibahagi Ito sa isang Kaibigan

Icon ng Pagbibigay

Pinasigla ka ba ng Salita ng Diyos sa taong ito?

Sa kabila ng mga hamon sa taong ito, binago ng Diyos ngayong 2021 ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka ng kaloob para sa katapusan ng taon sa YouVersion, makakatulong kang tiyakin na ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay maaaring makaranas ng nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ni Jesus.

Magbigay Ngayon >

Dumating na ang pag-asa

Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. - Lucas 2:11 Bersikulong Larawan

2,000 taon na ang nakalilipas, ang hinaharap ng mundo ay nagbago magpakailanman nang nag-anyong tao ang pag-asa at nakita sa isang sabsaban.

Ang pagsilang ni Jesus ay isang nadaramang pagpapahayag ng labis na pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang pagdating ni Jesus ay mabuting balita ng malaking kagalakan, para sa lahat ng tao. Ngayong Pasko, ipagdiwang ang himalang iyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang natatanging Bersikulong Larawan.

Ibahagi Ngayon

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

Mga bukas na kamay

Kilalanin ang Diyos, Makatagpo ng Kapayapaan

Isiping ika’y isang pastol sa unang siglong Bethlehem. Lumalapit sa iyo ang mga tupa, ngunit ang iba ay ayaw sa iyo dahil sa iyong trabaho, pananamit, at katayuan.

Sa loob ng maraming henerasyon, sinasabi ng iyong pamilya, “Nangako ang Diyos na bubuti rin ito.” Ngunit nagsisimula kang magtaka: “totoo kaya iyon?” Pagkatapos isang gabi, nagbago ang lahat. Isang anghel ang nagpakita at nagsabi sa iyo na isang Tagapagligtas ang isinilang.

Emmanuel, “Ang Diyos na sumasa-atin” ay dumating na.

Balang araw, ang batang ito ang magpapasan ng bigat ng lahat ng ating mga maling gawain sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. At dahil sa Kanyang sakripisyo, inaanyayahan tayong mamuhay nang mapayapa kasama ang Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon. Kaya sa ngayon, pasalamatan natin si Jesus sa Kanyang sakripisyo at kapayapaang mayroon tayo nang dahil sa Kanya.

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

O, Diyos,

Kahit magulo ang aking buhay, mararanasan ko ang Inyong kapayapaan dahil sa ginawa ni Jesus sa krus. Salamat dahil pinangyari Ninyo ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng Inyong Anak! Gumawa Siya ng paraan upang makilala at maranasan namin Kayo.

Kahit na sa pakiwari ay walang kontrol ang buhay, maaari akong kumapit sa katotohanan na ang Inyong kapayapaan ay hindi nakabatay sa aking mga damdamin o kalagayan—kundi sa Inyong katangian at katapatan.

Kapag hindi ako makaramdam ng kapayapaan, mangyaring ipadama sa akin ang Inyong presensya. Ipaalala sa akin na Ikaw ang may kontrol. Bigyan Ninyo ako ng Inyong lakas at ginhawa kapag nararamdaman kong ang mundo ay hindi ligtas. Protektahan ang aking puso at isip mula sa bigat ng aking damdamin at iniisip.

Pahintulutan akong madama ang Inyong presensya, at mamuhay nang may pagtitiwala na Ikaw ay laging malapit. Hayaang ang aking buhay ay maging isang halimbawa ng Inyong kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

I-save ang Panalangin

Ano ang iyong pinaglalaanan?

Tao sa telepono

Sama-sama, maaari natin hubugin ang hinaharap.

Kaya’t ating ituon ang ating mga mata hindi sa kung ano ang nakikita, bagkus sa kung ano ang hindi nakikita, sapagkat ang nakikita ay pansamantala, ngunit ang hindi nakikita ay walang hanggan.

2 MGA TAGA-CORINTO 4:18

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, ating ipinagdiwang ang 500 milyon pag-install ng YouVersion. Ang numerong iyon ay nangangahulugang daan-daang libong mga tao—mula sa iba’t-ibang bansa, nagsasalita ng iba’t-ibang mga wika—ay nasa paglalakbay papalapit sa Diyos … bawat segundo.

00:01

Sa loob ng Isang segundo…

2 mga tao ang nag-install ng YouVersion

1,179 mga tao ang nagbukas ng kabanata ng Biblia

227 mga tao ang nakinig ng kabanata sa audio

4 na tao ang nagsimula ng Gabay sa Biblia

11 mga tao ang nagbahagi ng mga talata sa social media

Iyan ang nangyayari sa loob ng ISANG segundo, bawat segundo, ng bawat araw.

Habang ipinagdiriwang natin ang kahulugan ng mga numerong iyon, alam natin na mayroon pang bilyon na mga tao sa buong mundo ang hindi pa konektado sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang YouVersion ay nasa isang misyon upang baguhin iyon, at nais ka naming anyayahan upang maging bahagi nito.

Kung sa iyong palagay sa isang segundo na ang iyong kontribusyon ay walang epekto—na ang bahagi mo ay hindi mahalaga—alalahanin mo kung ano ang ginawa ng Diyos doon sa bawat segundong iyon: Siya ay nagbabago ng mga buhay sa buong mundo, bawat isang segundo, ng bawat isang araw.

Sa nalalapit na pagsasara ng 2021, inaanyayahan ka namin na ituon ang iyong mga mata sa mga hindi mo nakikita. Gawing makabuluhan ang bawat segundo sa pamamagitan ng paglalaan para sa walang hanggan.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang 2021 Pamaskong Hamon ay narito na!

Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang 2021 Pamaskong Hamon

Kadalasan, ang mga nangyayari sa ating paligid ay madaling makagambala sa atin mula sa kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa atin habang ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus.

Ngunit paano kung iba ang Paskong ito?

Paano kung maari mong isantabi ang napakaraming mga gawain para sa kapayapaan ng Diyos? O ipagpalit ang pagkabalisa para sa kaligayahan? Paano kung ikaw ay maaaring maging bahagi ng pandaigdigang kilusan na nagbubuhos ng pagmamahal ng Diyos ngayong panahon ng kapaskuhan?

Kapag ikaw ay nakilahok sa Pamaskong Hamon, ikaw ay sumasali sa Pamayanan ng YouVersion habang itinutuon natin ang ating mga puso sa tunay na kahulugan ng Pasko.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng 2021 Pamaskong Hamon Badge!

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email