Tuklasin ang Mga Tampok na Gabay sa Nobyembre

Magpasalamat sa PANGINOON, sapagkat Siya ay mabuti! Ang Kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.

MGA AWIT 136:1

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga taong nagpapahayag ng pasasalamat ay nakararanas ng mas mahusay na pagtulog, mas mataas na stress tolerance, at mas makabuluhang mga relasyon.

Ngunit ang pasasalamat ay hindi lamang nagbibigay benepisyo sa atin sa pisikal, ito rin ang naglalapit sa atin sa Diyos.

Kapag ang ating mga pananaw ay lumipat mula sa atin at patungo sa Diyos na nagbigay ng lahat para sa atin, doon tayo magsisimulang makahanap ng sariwang pag-asa, kagalakan, kagandahan, at layunin sa ating paligid.

Ngayong buwan, tunghayan ang layunin at kapangyarihan ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisimula ng isa sa mga Gabay ng Pasasalamat na ito.

Maghanap ng Higit pang mga Gabay


Ang pagiging bukas-palad ay isang praktikal na paraan ng pagpapasalamat sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa iyo.

Kung ginamit ng Diyos ang Bible App upang magkaroon ng epekto sa iyong buhay, pag-isipan ang pagbibigay sa YouVersion at tulungan ang milyun-milyong tao na makatanggap ng parehong access sa Salita ng Diyos na mayroon ka.

Magbigay ng kaloob >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Gabay sa Katapangan

Kapag nagpakita ang takot, hindi ka nag-iisa. Nangangako ang Diyos na lalakad na kasama mo at pagagaanin ang iyong mga pasanin.

Ngayon, manalig sa kalakasan ng Diyos at tuklasin kung paano mamuhay nang may katapangan gamit ang isa sa mga Gabay na ito.

Maghanap ng Higit pang mga Gabay


Gusto mo bang tumulong na magpalaganap ng pag-asa sa iba?

Kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo ang milyun-milyong mga tao na maranasan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Magbigay ng kaloob >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Danasin ang mga Lubos na Pagpapala sa Arawang Pampasigla

Tanawin ng mga burol ng buhangin.

Ano ang mga Lubos na Pagpapala?

“Pinagpala ang mga…”

Mateo 5:4

Sa Sermon sa Bundok ni Jesus, nagpapahayag Siya ng maraming iba’t ibang mga pagpapala, na kilala rin bilang mga lubos na pagpapala, at muling binalangkas kung ano ang magiging hitsura ng Kaharian ng Langit.

Ngunit ano ang ibig sabihin ng mga pagpapalang iyon para sa atin?

Ngayong linggo, danasin ang Mga Lubos na Pagpapala sa isang bagong paraan gamit ang Arawang Pampasigla.

Sa Bersikulo ng Araw, matutuklasan mo ang isang bagong pagpapala bawat araw. Pagkatapos ay magagawa mong pagnilayan kung ano ang ibig sabihin ng mga pagpapalang ito para sa iyo sa Gabay sa Panalangin salamat sa eksklusibong akda mula sa aming Katuwang, Propel Women.

Kumpletuhin ang lahat ng walong araw ng Arawang Pampasigla na may tema ng Mga Lubos na Pagpapala at palalimin ang iyong kaugnayan sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Buksan ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Hanapin ang iyong paboritong salin ng Biblia sa Bible App na may higit sa 3,000 mga bersyon!

bawat tao, bawat lugar, bawat araw.

Ipagdiwang ang tagumpay na ito sa kasama namin!

Nagsimula ang Bible App mula sa YouVersion bilang isang kaisipan sa security line ng isang paliparan.

Ngunit para maisakatuparan ang kaisipang ito, kailangan namin ng isang napakahalagang bagay—ang Biblia!

Sa nakalipas na 15 taon, ang aming Mga Katuwang sa Paglathala ng Biblia ay bukas-palad na nagbigay ng mga salin ng Biblia sa YouVersion dahil naniniwala sila sa aming misyon: upang maabot ang bawat tao, bawat lugar, bawat araw.

At dahil sa kanilang pakikipagtulungan, kaaabot lang natin ang isang malaking tagumpay—mayroon na ngayong mahigit 3,000 na salin ng Biblia sa 2,000 wika.

Ngayon, ipagdiwang kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng katapatan ng Mga Katuwang sa Paglathala ng Biblia sa pamamagitan ng paghahanap ng paborito mong salin ng Biblia sa Bible App!

Tuklasin ang mga Salin ng Biblia

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Bakit ito nangyayari?”

Taong nakatingin sa labas ng bintana

Anuman ang iyong kinakaharap, alamin ito: May layunin ang Diyos para sa iyong buhay, kahit na hindi mo ito nakikita.

Sa Ang Mangangaral 3, sinabi sa atin ng may-akda na mayroong panahon para sa lahat—pagsasayaw, pagdadalamhati, at pagtawa.

Inilalarawan ng bersikulong ito ang kagandahan ng buhay gayundin ang mga paghihirap na kaakibat nito. Ipinakikita nito sa atin na kahit sa mahihirap na panahon, maaari tayong magtiwala na ang Diyos ay kumikilos.

“Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan … ngunit hindi binigyan [ang tao] ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.”

Ang Mangangaral 3:11

Kumikilos ang Diyos sa labas ng ating perpektong timeline upang lumikha ng isang bagay na mas malaki kaysa sa naiisip natin.

Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na ang ating mga karanasan—mabuti o masama—ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang Kanyang takdang panahon ay perpekto.

Maaaring hindi ito mukhang tama sa ngayon, ngunit kumikilos ang Diyos sa iyong buhay nakikita mo man ito o hindi.

Ngayon, pag-isipan ang Ang Mangangaral 3, at hilingin sa Diyos na tulungan kang magtiwala sa Kanya at sa Kanyang panahon.

Basahin ang Ang Mangangaral 3

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email